Tips for #iponing for kpop concert
WANNA START? LET`S GO!
Main problem
talaga ng mga fangirls or fanboys yung #iponing. Paano ba naman kase, mag-iipon
kana pero andiyan si pagkain para tuksuhin kang gumastos. Akala ng iba madali
lang mag-ipon pero gusto kong sabihin sa iniyo na nagkakamali kayo. Pero may
kasabihan tayo na "lahat ng mahirap may paraan" paano nga ba? Here
are the tips para sa iniyo mga chingus. I hope matulungan ko kayo. Fighting!
1. WILLING KA TALAGA DAPAT.
Kailangan willing
ka talaga na mag-ipon. Syempre kung hindi ka willing paano mo maaachieve yung
goal mo? paano ka makakapag-ipon? And dahil sa willing ka, nandiyan narin yung
part na mas uunahin mong mag-ipon kaysa sa ibang bagay. For example, nariyan ang
iba`t ibang merch sa paligid pero dahil sa willling kang makapunta ng concert,
mas uunahin mong ilaan nalang yung pambili mo ng merch sa ipon mo kaysa sa
gumastos para mabili lang yung merch na iyon.
2. ILISTA ANG MGA GOALS
Pag
naging willing kana sa pag-iipon, time na para maglista ng mga goals. Ito yung
nakakatawang part dito eh. Kumuha ka ng papel then ilista mo doon kung ano bang
goal mo. Goal mong makapunta ng concert diba? so isulat mo sa papel ang lahat
lahat na makakapagmotivate sayo para mag-ipon ng tuluyan. Isulat mo yung date
ng concert, venue, price ng ticket, date ng ticket selling at iba pa.
3. MAGHANAP NG SOURCE OF INCOME
Kung ikaw ay student palang, walang trabaho, at umaasa lang sa allowance, pwede kang magtipid. But not to the point na gugutumin mo na ang sarili mo para sa kpop concert. Not to the point na mas uunahin mo ang kpop kaysa sa pagaaral mo. Source of happiness natin ang kpop hindi distruction. Then if ever na bakasyon na and hindi kana nabibiyayaan ng pera na binabaon mo, pwede kang maghanap ng part time job or summer job. Isang napakagandang source of money yun. Yung perang sasahurin mo, ihulog mo sa alkansya mo. Diba? Wag tayong maging tamad para road to iponing na.4. ROAD TO IPONING
Kung
may source of income kana, edi road to iponing na. Magready kana ng alkansya.
Mapa bottle man o container okay na basta mapaglalagyan mo ng pera at sure na
safe yung pera mo doon. Sa alkansya mo na iyon, maglagay ka ng picture ni bias
or isulat mo kung anong goal mo doon para naman mamotivate ka. Itago mo sa safe
na lugar yung alkansya mo para di mawala. Make sure na yung alkansya mo eh
balot na balot para iwas kupit ka kung kating-kati kana sa pag-gastos.
5. MAGKAROON NG SELF-CONTROL
Kung kating-kati
kana na gumastos aba! hajima! kontrolin mo sarili mo tulad ng sinabi ko nung
umpisa. If kaya mong lakarin ang pupuntahan mo lakarin mo nalang para iwas
gastos. Sinasabi ko sa iniyo mas mabuting kumalma muna. Mas maganda ang mga
bagay na pinaghihirapan. Mas maganda yung nagawa mo na ngang mag-ipon, natuto
ka pang magkontrol ng sarili dahil kay oppa. Effective rin yung paglalagay ng
picture ni bias sa wallet mo para if gusto mo ng gumastos, andiyan si bias para
tulungan kang magkontrol sa sarili mo. Fighting
Now,
magstart kana mag-ipon at i apply mo yung mga tips na sinabi ko. Sure ako
makakatulong sayo yan ng sobra. Then kapag nakaipon kana, pasalamatan mo ang
sarili mo and si oppa kase dahil sa kanila natuto kang mag-ipon. Yakapin mo
sarili mo pag nagawa mo ang challenge na ito. Bumalik ka sa blog ko na ito kung
nakapunta kana ng concert nila dahil sa mga tips ko. Kamsahamnida!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento