Tips for #iponing for kpop concert
WANNA START? LET`S GO! Main problem talaga ng mga fangirls or fanboys yung #iponing. Paano ba naman kase, mag-iipon kana pero andiyan si pagkain para tuksuhin kang gumastos. Akala ng iba madali lang mag-ipon pero gusto kong sabihin sa iniyo na nagkakamali kayo. Pero may kasabihan tayo na "lahat ng mahirap may paraan" paano nga ba? Here are the tips para sa iniyo mga chingus. I hope matulungan ko kayo. Fighting! 1. WILLING KA TALAGA DAPAT. Kailangan willing ka talaga na mag-ipon. Syempre kung hindi ka willing paano mo maaachieve yung goal mo? paano ka makakapag-ipon? And dahil sa willing ka, nandiyan narin yung part na mas uunahin mong mag-ipon kaysa sa ibang bagay. For example, nariyan ang iba`t ibang merch sa paligid pero dahil sa willling kang makapunta ng concert, mas uunahin mong ilaan nalang yung pambili mo ng merch sa ipon mo kaysa sa gumastos para mabili lang yung merch na iyon. 2. ILISTA ANG MGA GOALS Pag naging willing kana sa pag-iip...